Pagpapatupad ng price cap sa bigas, kailangan sabayan ng monitoring ng suplay ng bigas sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat sabayan ng pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa lahat ng rehiyon ang ipinapatupad ngayong price ceiling sa bigas.

Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, bagamat makatutulong ang pagpapataw ng price cap para mapigilan ang hoarding ay maaari rin itong magkaroon ng negatibong epekto gaya ng shortage o kakulangan sa suplay.

“Of course, a rice price ceiling is a signal to those who wish to do price speculation that there is little profit in doing that. In that sense, it will help prevent hoarding. But price ceilings can have negative second round effects, such as shortages.” ani Salceda.

Punto ng mambabatas kailangan bantayan ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na suplay ng bigas sa mga pamilihan sa buong bansa.

Dapat ani Salceda na gawing kada lokalidad ang pagbabantay.

Kahit kasi aniya magpataw ng price cap sa bigas magkakaroon pa rin ng problema kung may mga lugar naman na rice-deficit.

“So, to avoid shortage, the DA must ensure that there is indeed enough supply in the market across all geographical areas. Our monitoring of supply must not merely be at the aggregate national level. If you impose a price ceiling but some areas have less rice than they need, you will see supply problems in the rice-deficit areas. So, supply monitoring must also be localized and some augmentation must take place in rice-deficient areas.” dagdag ng mambabatas.

Una na ring inirekomenda ng economist-solon na bigyan ng premium ang mga katuwang ng pamahalaan para bumili ng palay sa mas mataas na presyo kaysa sa world price—ngunit dapat ay may nakatakda nang presyo.

Tiwala rin si Salceda na kung matatapatan ng Pilipinas ang produksyon ng Vietnam na 5.6 tons kada ektarya ay matutugunan natin ang domestic shortage ng bigas.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us