Pagrepaso sa proseso ng pagkuha ng permit para sa reclamation projects sa bansa, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate Committee on Environment chairperson Senadora Cynthia Villar, depektibo na ang proseso ng pagkuha ng permit para sa mga reclamation projects sa bansa.

Sa ginawang Senate hearing tungkol sa Manila Bay reclamation, kinuwestiyon ni Villar kung bakit agad na pumapasok sa memorandum of understanding ang Philippine Reclamation Authority sa mga nagsusulong ng reclamation kahit pa walang pag-aaral sa magiging epekto nito.

Una nang pinaliwanag ni Environmental Management Bureau (EMB) Director Assistant Secretary Gilbert Gonzales na ang MOU ang senyales ng pagtanggap ng panukalang reclamation project at ang basehan sa pag endorso para sa ECC application.

Nangako naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na irerepaso na nila ang proseso ng permits para sa reclamation projects.

Ayon kay Secretary Maria Yulo-Loyzaga, kabilang ang pagsasaalang-alang ng environmental, social, anthropological, cultural at security dimension ng mga proyekto sa mga ikokonsidera na.

Sinabi rin ni Yulo na habang suspendido ang reclamation activities sa Manila Bay ay nirerebyu na ng DENR ang environmental compliance ng lahat ng ongoing at sisimulan palang na proyekto at ang cumulative impact assessment sa tulong ng scientists at iba pang eksperto.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us