Pagsasabatas ng school-based mental health program, aprubado na sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill 2200).

Sa ilalim ng panukala, i-institutionalize o isasabatas na ang pagpapatupad ng school-based mental health program para matiyak ang kapakanan ng mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong basic education schools sa buong Pilipinas.

Una nang sinabi ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Basic Education chairman Senador Sherwin Gatchalian na ang programa ang magbibigay ng mahahalagang school-based mental health services gaya ng screening, evaluation, assessment at monitoring, mental health first aid, crisis repsonse at referral system, mental health awareness at literacy, emotional development and preventive programs at iba pa.

Itinatakda ng panukala ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng mga complementary measures na magtataguyod sa mental health at mag-aalis ng stigma sa mental health counseling.

Magbibigay rin ito ng mental health awareness programs, at iba pang mental health related referrals sa mga teaching at non-teaching personnel.

Layon rin ng panukala na magkaroon ng mga “care center” sa bawat public basic education schools sa buong bansa.

Itinatakda rin ng panukala ang pagkakaroon ng mga bagong plantilla positions para sa mga mental health specialists at mental health associates sa DepEd.

Ang mental health associates 1 to 5 ay magkakaroon ng salary grade 11 to 15 habang ang mga mental health specialists 1 to 5 ay magkakaroon ng sahod na mula salary grade 16 to 24.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us