Matagumpay na magtapos ang Maritime Training Activity (MTA) MALPHI LAUT 23/24 sa pagitan ng Philippine Navy at Indonesian Navy nitong Biyernes.
Ang closing ceremony, na isinagawa sa Davao City, ay pinangunahan ni Indonesian Navy Eastern Fleet Commander, Vice Admiral Dato’ Pahlawan Hj Muhammad Ruzelme Bin Hj Ahmad Fahimy.
Pinasalamatan ni VAdm. Ruzelme ang Philippine Navy partikular ang Naval Forces Eastern Mindanao sa pangunguna ni Commodore Carlos V. Sabarre, PN sa mabuting pakikitungo na ipinagkaloob sa Indonesian Navy delegation na lumahok sa ehersisyo.
Sinabi ng Indonesian official na ang pagsasanay ay patunay ng kakahayan ng dalawang navy na magtulungan sa pagtataguyod ng regional maritime peace and security.
Naging bahagi ng pagsasanay ang shore, air at sea activities na nagpapahusay sa interoperability ng dalawang pwersa. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFEM PAO