Pamamahagi ng ayuda para sa mga micro retail sa Marikina City, muling aarangkada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling isasagawa ang pamamahagi ng ayuda para sa mga maliliit na rice retailer sa Lungsod ng Marikina.

Ito ‘yung mga rice retailer na hindi pa nabigyan ng ayuda noong unang batch ng payout.

Nasa 189 na mga benepisyaryo ang inaasahang makatatanggap ng tig-P15,000 na ayuda mula sa pamahalaan.

Layon nitong matulungan ang mga rice retailer na tumalima sa Executive Order No. 39 o price cap sa bigas.

Maliban pa sa P15,000 na ayuda mula sa pamahalaan, bibigyan din ng Marikina LGU ng libreng dalawang buwang renta sa mga palengke ng lungsod ang mga rice retailer.

Bibigyan din ang mga ito ng tax exemption sa loob ng anim na buwan at tax amnesty naman para sa mga rice retailer na bigong makapagbayad ng buwis sa tamang oras.

Isasagawa ang pamamahagi ng ayuda sa Civic Center Barangay Concepcion Dos, Marikina City mamayang ala-una ng hapon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us