Pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer sa Pasig City, nagsimula na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer na tumatalima sa inilabas na Executive Order no. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pasig City ngayong araw.

Pasado alas-9 ng umaga nang magbukas ang payout sa Tanghalang Pasigueño kung saan, tinatayang nasa 220 ang target na mabenepisyuhan nito.

Ayon kay DSWD Assistant Regional Director for Administration Benchie Gonzales, umaasa silang makapupunta ngayong araw ang lahat ng target beneficiaries na makatatanggap ng P15,000 na ayuda.

Katuwang ng DSWD ang Department of Trade and Industry o DTI gayundin ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig hinggil sa naturang programa.

Kinakailangan lamang dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang business documents gaya ng Business, Mayorsat DTI permits gayundin ng mga ID bilang bahagi ng isasagawang verification process. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us