Tuloy-tuloy na ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development sa mga sari-sari store owner na nagbebenta ng murang bigas sa Malabon City.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isinasagawa sa Malabon City hall sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Target na mabigyan ngayong hapon ng tulong pinansiyal na P15,000 ang 35 benepisyaryo.
Ang mga sari-sari store owner ay patuloy na nagbebenta ng P45 kada kilo ng bigas alinsunod sa ipinatutupad na Executive Order 39 o mandated price ceiling sa bigas.
Nauna rito, may kabuuang 87 na micro rice retailers sa lungsod ang pinagkalooban ng P15,000 na tulong pinansyal. | ulat ni Rey Ferrer