Pamilya na namatayan ng tatlo sa sunog sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagkalooban na ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya na namatayan ng tatlong miyembro sa sunog na sumiklab sa isang garments shop sa Tandang Sora, Quezon City.

Nagtungo sa tanggapan ng DSWD Central Office sa Quezon City ang pamilya na sinamahan ni Rizal Mindoro Occidental Mayor Sonny Pablo para personal na makausap at humingi ng tulong kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Bukod sa tulong pinansiyal, nangako ang kalihim na makakaasa pa ng karagdagang tulong ang pamilya mula sa DSWD habang dumadanas pa ng pighati dahil sa mga nangyari.

Tubong Rizal, Mindoro Occidental ang pamilya at tatlong nasawi sa sunog.

Pinag-usapan din sa pulong nina Secretary Gatchalian at Mayor Pablo ang mga paraan kung paano higit na matutulungan pa ang naulilang pamilya.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us