Pamilya ng ilang nasawi sa sunog sa Quezon City, sumailalim sa DNA test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumulog sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group sa Kampo Crame ngayong araw, ang mga umano’y kaanak ng ilang nasawi sa sumiklab na sunog sa Quezon City, kahapon.

Dito, sumalang sila sa DNA testing upang makumpirma kung kaanak nga nila ang ilan sa mga nasunog na bangkay, upang makuha ito sa punerarya at mabigyan ng karampatang paggalang.

Alas-10 ng umaga nang magtungo sa Kampo Crame sina Rachelle Sigala, kapatid ng isang Irene Dolor at Rafael Encado na tiyuhin naman ng isang Claring Encado.

Ayon sa kanila, inabisuhan sila ng Scene of the Crime Operatives ng Quezon City Police District (QCPD-SOCO) na sumailalim sa DNA testing sa pamamagitan ng swab, bilang proseso ng pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga labi.

Nabatid na kahapon ay 15 tao ang nasawi sa sunog sa isang bahay na ginawang pabrika, sa Brgy. Tandang Sora sa nabanggit na lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us