Pangulong Marcos Jr., hinimok ang publiko na isuplong ang retailers na hindi sumusunod sa price ceiling sa presyo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagharap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media kanina, matapos ang opisyal na deklarasyon ng probinsya ng Palawan bilang insurgency-free, ay hinimok nito ang mga mamamayan na isuplong sa mga kinauukulan ang mga hindi sumusunod sa itinakdang price ceiling kaugnay sa presyo ng bigas.

Aniya, sa kanyang inilabas sa Executive Order No. 39, kinakailangang mapanatili sa tamang presyo ang mga ibinibentang bigas sa bansa.

Base sa nasabing EO, ang regular milled rice ay dapat na nasa P41.00 lamang kada kilo habang ang well milled-rice naman ay dapat hanggang P45.00 lamang kada kilo.

Ayon sa Pangulo, maaring isuplong sa Department of Agriculture, local government unit o s Philippine National Police, ang mga retailer ng bigas na nagbebenta ng mas mataas sa itinakdang price ceiling. | ulat ni Lyzl Pilapil | RP1 Palawan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us