Pangulong Marcos Jr., mainit na tinanggap ng mga OFWs sa Singapore

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tila rockstar ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Singapore, sa ginawa nitong surpresang pagbisita sa Lucky Plaza Mall, ngayong Linggo (September 17), sa sidelines ng kaniyang official visit doon.

Ayon kay Communication Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, hindi magkamayaw ang mga OFW nang masilayan ang pangulo.

Nagpahayag rin ang mga ito ng suporta sa Marcos Administration, kasabay nang pahayag na kumpiyansa sa ginagawa ng pamahalaan, tungo sa pagpapabuti ng Pilipinas.

Umaasa aniya ang mga OFWs ma magtuloy-tuloy ang mga pagbabagong ito.

Kung matatandaan, nito lamang Miyerkules, naimbitahan ang pangulo na magsalita sa Milken Institute’s Asia Summit sa Singapore kung saan inilatag nito ang priority policies at programa ng pamahalaan sa harap ng economic managers at business leaders doon.

Nakapulong rin ng pangulo ang mga opisyal ng GRM ng India, na nagpahayag ng pagnanais na mamuhunan sa mga paliparan, kalsada, at energy sector ng bansa.

“Singapore’s multinational technology company, Dyson also committed PhP 11-billion worth of investment for the Philippines in the next two years. Likewise, Malaysian retail specialist, Valiram Group is looking at expanding its operations in the Philippines by developing airport outlets for duty-free retail tourism.” —Secretary Garafil.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us