Pangulong Marcos Jr., nilinaw na wala sa opsiyon ang pagpapatupad ng fishing ban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi nila kinukunsidera ang pagpapatupad ng fishing ban sa harap ng tina-target na mas mapataas pa ang huli ng mga mangingisda.

Sa media interview sa Iriga, Camarines Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang nais niyang ipunto ay matukoy ang mga breeding ground at doon iwasan ang pangingisda.

Hindi aniya uubra na magpatupad ng fishing ban gayung tiyak na makakaapekto ito sa hanapbuhay ng mga umaasa sa panghuhuli ng isda.

Base aniya sa kanyang pakikipag-usap sa mga mangingisda ay lubhang bumaba na ang kanilang huli kaya’t ang dapat abutin sa kasalukuyan ay kung paano mapaparami ang produksiyon ng isda.

Kaya importante, sabi ng Punong Ehekutibo na matingnan at matukoy ang mga breeding grounds at mula doon ay maiwasang pasukin ang mga ito ng sa gayon ay may malambat pang mga isda ang mga Pinoy fishermen na magbibigay sa kanila ng magandang kita.| ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us