Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng may 55 mga police generals na ginawa sa heroes hall sa Malacañang.
Ito ang ikalawang batch ng mga nag-oath taking na heneral ng PNP na kung saan, nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo.
Sa talumpati ng Pangulo ay sinabi nitong “zero tolerance” ang pamahalaan hindi lamang sa korapsyon kundi pati na sa human rights abuses.
Sa ilalim aniya ng bagong Pilipinas ay hindi dapat na magkaroon ng puwang ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Idinagdag ng Chief Executive na inaasahan din ng mamamayan sa mga bagong promoted generals ang pinakamataas na standard sa kanilang hanay at makikita sa kanila ang leadership “by example”.
Tiniyak din ng Punong Ehekutibo ang suporta nito para sa modernisasyon sa Philippine National Police. | ulat ni Alvin Baltazar