Pasay City LGU at isang pribadong kumpanya, nakatakdang magsagawa ng job fair sa mga residente nito bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magsagawa ang Lungsod ng Pasay ng Job Fair para sa mga residente ng nito, bukas.

Katuwang sa naturang job fair ang R2 Group of companies, na nangangailangan ng nasa 250 empleyado.

Ang mga position na bakante sa naturang kumpanya ay nail technician, lash technician, waxing technician, at aesthetician.

Giit pa ng kumpanya, na hindi kinakailangan na may experience ka dahil sila na mismo ang magti-train sa mga naturang posisyon at may kaukulang allowance habang nagti-training. Gaganapin ito bukas September 8, mula alas-9 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us