Dadagdagan ng Pasay City Local Government Unit ang financial assistance na handog ng national government na nagkakahalaga ng P5,000 para sa rice retailers na naapektuhan ng price cap sa presyo ng bigas.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, ang dagdag na ayuda ng lokal na pamahalaan ay para mabayaran din ng apektadong rice retailers ang kanilang iba pang gastusin tulad ng bayad sa renta at iba pa.
Dagdag pa ng alkalde, isasama ang rice retailers sa TUPAD beneficiary na sasahod ng mahigit P6,000 para sa 10 araw na emergency employment na isasalang din sila sa livelihood at skills trainings. | ulat ni AJ Ignacio