PCG, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng namatay na rescuer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang ginagawang ugnayan ng Philippine Coast Guard sa pamilya ng nalunod na PCG rescuer matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa kasagsagan ng search and rescue (SAR) operation sa Sitio Daeng, Barangay Halog East, Tubao, La Union.

Ang koordinasyon ay para maibigay ng PCG ang kinakailangang tulong sa biktima na kinilalang si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano Nesperos na isa mga miyembro ng Special Operations Group-North Western Luzon (SOG-NWLZN).

Matatandaang rumesponde ang tropa ni Nesperos sa “drowning incident” sa Sitio Daeng kasabay ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

Batay sa ulat ng PCG, pagdating sa lugar ng insidente, dahan-dahang tumawid si Nesperos para i-secure ang “safety line” sa kabilang bahagi, ngunit nawalan siya ng balanse at tuluyang tinangay ng rumaragasang ilog.

Sinubukan siyang iligtas, ngunit wala siyang malay nang ma-recover ng PCG-SAR team.

Agad naman dinala si Nesperos sa La Union Medical Center, ngunit dito ay idineklara siya bilang “dead on arrival.” | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us