PCSO, magbibigay ng libreng wheelchairs sa mga senior citizen at PWD sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mamamahagi ang Philippine Charity Sweepstake Office o PCSO ng libreng wheelchairs sa mga senior citizen at persons with disability o PWD sa ikalimang distrito ng Maynila.

Ito ay dahil kapos sa kagamitang pang-medikal gaya ng wheelchair ang naturang distrito.

Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles kasama si Manila 5th District Representative Irwin Tieng ang turnover ceremony kung saan nasa 100 wheelchairs ang ipamimigay.

Kabilang sa mga mabebenepisyuhan ay ang mga mahihirap na senior citizen at PWD sa 26 na barangay na sakop ng ikalimang distrito ng Maynila.

Tiniyak naman ng PCSO na patuloy na tutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga mahihirap at may sakit nating mga kababayan. | ulat ni Diane Lear

đŸ“·: PCSO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us