Person of interest sa pagpatay sa babaeng estudyante sa Diffun, natukoy na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

May natukoy nang person of interest ang PNP sa pagpatay ng babaeng estudyante sa Diffun, Quirino.

Matatandaang natagpuan ng magsasaka sa isang kakahuyan sa Barangay San Isidro nitong Biyernes ang bangkay ng naturang estudyante na limang araw na iniulat na nawawala.

Sa ulat ni Police Major Juanito Balite Jr, hepe ng Diffun Police na nakarating sa Camp Crame, naaagnas na ang bangkay at may tali sa kanang paa at leeg ang biktima.

Base sa otopsiya, pagkakasakal ang isang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Maj. Balite, nagpapatuloy ang imbestigasyon, upang matukoy ang motibo sa insidente.

Hindi muna pinangalanan ang person of interest habang gumugulong ang imbestigasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us