Philippine Red Cross at Rotary Club, nagsagawa ng Health Caravan sa Angono, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-organisa ang Philippine Red Cross (PRC) at Rotary Club ng Makati at Angono ng Health Caravan sa Angono Municipal Gym sa Rizal.

Layon nitong mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga residente na walang access sa mga health facility, lalo na ang mga malalayo ang tirahan.

Mahigit 200 indibidwal ang nabigyan ng health consultation ng mga volunteer medical doctor at nurses ng PRC.

Nasa 40 persons with mobility impairment at senior citizens naman ang nakatanggap ng wheelchairs, habang 120 indibidwal naman ang nabigyan ng salamin sa mata.

Bukod dito ay naghandog din ang PRC ng hot meals sa mga dumalo at nakiisa sa health caravan.

Ayon kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, marami sa ating mga kababayan ang pumupunta sa health caravan ng PRC para makakuha ng libreng serbisyo medikal, COVID-19 vaccine, pati na rin ang libreng gamit gaya ng salamin sa mata.

Tiniyak naman ng PRC, na patuloy na ilalapit sa mga komunidad ang iba’t ibang serbisyo ng PRC gaya ng pagsasagawa ng health caravan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us