Mahigpit na naka-monitor ngayon ang PHIVOLCS sa lagay ng Bulkang Kanlaon na patuloy ang aktibidad.
Ayon sa PHIVOLCS, nadagdagan ang volcanic earthquakes na naitala sa Bulkang Kanlaon sa mga nakalipas na mga araw.
Katunayan, aabot sa 36 volcanic earthquakes kabilang ang 34 volcano-tectonic o VT earthquakes ang na-monitor sa bulkan mula September 4 hanggang kaninang 7:50 ng umaga.
Naglalaro sa M_0.8 hanggang M_3.4 ang mga naitalang pagyanig sa bulkan na may lalim na 0 – 9kms sa hilagang silangan ng Kanlaon.
“Ground deformation data from continuous GPS and electronic tilt measurements have been recording short-term inflation of the middle slopes since March 2023 and a longer-term inflation of the entire edifice since March 2022.”
Paliwanag ng PHIVOLCS, ang patuloy na VT earthquake activity ng bulkan ay posibleng indikasyon na may “fracturing” sa ilalim ng bulkan na maaaring humantong sa “unrest”.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 1 ang bulkang Kanlaon kaya patuloy na pinapaalahanan ang lahat na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa