Plant Run, isasagawa ngayong umaga sa Tanay Rizal -CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ngayong umaga ang Plant Run sa Yes City, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal na inorganisa ng Civil Service Commission (CSC) sa buong bansa.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng ika-123 na anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong taon na lalahukan ng mga kawani ng gobyerno.

Sa abiso ng CSC, umulan man o umaraw, tuloy ang Plant Run activity ngayong araw.

Lahat ng participants ay magsusuot ng color coded shirts base seedlings na kanilang itatanim.

Sa mga magtatanim ng indigenous tree, kulay dilaw na t-shirt ang kanilang isusuot, kulay blue para sa mga magtatanim ng fruit bearing trees,pula para sa mga magtatanim ng kawayan at kulay puti naman ang isusuot ng mga organizer,facilitators at volunteers.

Kasabay nito, ang isaaagawa ding plant run activities Brgy. Dacutan, Dumangas, Iloilo Brgy. San Agustin Navarra, Ivisan at Capiz sa Region 6

Habang sa Region 7 naman ay gagawin sa Brgy. Can-asuhan, Carcar City, Cebu at sa Region 8 ay gagawin sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte

Ang Plant Run ay isa lamang sa mga scheduled activities ng CSC sa buong buwan ng Setyembre.

Ilan pa dito ang 2023 Public Sector Human Resource Symposium, 2023 Awards Rites para sa Outstanding Government Workers, Government Online Career Fair, Plant-Run, Golf for a Cause, Bloodletting Activity, Virtual Recognition Program para sa Contact Center ng Bayan Partner Agencies, at PRIME HRM Awards. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us