Bantay sarado pa rin ang Daisuki Tube Ice sa Lower Bicutan sa Taguig City matapos magkaroon ng ammonia leak kahapon.
Hindi pa rin pinapapasok maging ang mga empleyado ng naturang planta dahil nakatakdang imbestigahan pa ng BFP katuwang ang Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ay nagsasagawa ng preventive maintenance service ang planta nang biglang sumingaw ang tubo ng ammonia reservoir dahilan ng pagkalat nito sa kahabaan ng ML Quezon St.
Aabot sa 300 kg ang nailabas ng naturang planta at na-cointain ito pasado alas-9 ng umaga kahapon.
Sa ngayon ay balik normal na ang pamumuhay ng mga residente matapos ilikas ng lokal na pamahalaan dulot ng nakakasulasok na amoy ng ammonia. | ulat ni AJ Ignacio