PNP-ACG, binalaan ang publiko sa bagong ‘task scam’ sa social media

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Philippine National Police-Anti Cybercime Group (PNP-ACG) ang publiko na mag-ingat sa bagong “task scam” na lumalaganap sa social media.

Ayon kay ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, target ng scam ang mga naghahanap ng trabaho o karagdagang kita online.

Sa pamamagitan ng social media ads, pinapangakuan ng scammer ang mga biktima ng “easy money” para simpleng gawain tulad ng pag-like sa mga post, panonood ng video, o pag-share ng content.

Sa simula ay walang inilalabas na pera ang mga biktima at mabilis silang nababayaran matapos makumpleto ang simpleng gawain kaya naeengganyo silang magpatuloy.

Habang tumatagal unti-unting tumataas ang halagang kailangan nilang i-invest para makagawa ng mas-kumplikadong task na mas malaki ang pangakong bayad.

Pero sa oras na gusto nang bawiin ng biktima ang kanyang investment, samu’t saring dahilan ang binibigay ng scammer at sinasabing kailangan pang mag-invest ng karagdagang halaga para makuha ang kanilang unang naipasok pera.

Paalala ni ACG Director PBrig. General Sydney Sultan Hernia, walang shortcut sa malaking kita, at dapat maging mapanuri sa mga “financial opportunities” na inaalok online. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us