PNP, handang makipagtulungan sa CHR sa imbestigasyon ng 2,000 kaso ng umano’y paglabag ng pulis sa karapatang-pantao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang kahandaan ng PNP na makipagtulungan sa Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang imbestigasyon ng halos 2,000 kaso ng paglabag sa karapatang-pantao na kinasasangkutan ng mga pulis.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, siniguro ni Fajardo na hindi kukunsintihin ng PNP ang anumang pagkakamali ng kanilang mga tauhan.

Sa katunayan aniya, nakikipagtulungan din ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Justice (DOJ), at maging sa mga korte para harapin ng mga pulis ang mga reklamong inihain laban sa kanila.

Matatandaang sinabi ni CHR Chair Richard Palpal-latoc sa pagdinig ng Kamara na mayroon inilapit sa kanila na kabuuang 1,966 na kaso, kung saan ang mga respondent ay mga tauhan ng PNP.

Kasama na aniya sa 2,208 biktima sa naturang mga kaso ang mga menor de edad na nasawi kamakailan sa Navotas at Rizal Province na aksidenteng nabaril ng mga pulis.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us