PNP top-level officials, sumailalim sa on-the-spot drug test sa Camp Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumailalim sa surprise drug test ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Sa ulat ng PNP-Public Information Office, mismong si PNP PGen. Benjamin Acorda Jr. ang nanguna sa on-the-spot drug test.

Itinaon ito sa command conference na isinagawa sa multi-purpose hall sa Camp Crame noong Biyernes.

Walumput siyam (89) na PNP top level officials ang sumailalim sa surprised drug test na mula sa PNP Command Group, Directorial Staff, Regional Directors at National Support Unit Directors.

Ayon sa PNP, bahagi pa rin ito ng patuloy na internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Matatandaang sinibak sa pwesto bilang hepe ng Mandaluyong City Police si PCol. Cesar Gerente matapos na dalawang beses na mag-positibo sa drug test at confirmatory test. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us