PRC at Malabon LGU, magtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Philippine Red Cross o PRC at lokal na pamahalaan ng Malabon para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa mga paaralan.

Sa ilalim ng kasunduan, ang bawat mag-aaral sa lungsod mula Grade 1 hanggang senior high school, mga guro, at mga kawani ng eskwelahan ay magiging miyembro ng PRC.

Layon ng programa na magkaroon ng kamalayan sa disaster preparedness, pangangalaga sa kalusugan, maging ligtas at matutong magligtas ng kapwa, at itaguyod ang kultura ng bolunterismo.

Ginanap ang ceremonial signing sa City of Malabon University na pinangunahan ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval kasama ang mga kinatawan ng PRC Malabon City Chapter at mga guro sa lungsod.

Nasa 70,000 na mga estudyante, guro, at kawani ng eskwelahan ang naging bahagi ng PRC sa ilalim ng nasabing kasunduan.

Kaugnay nito ay maglulunsad ang PRC ng basic first aid training, leadership training, at hygiene promotion, at iba pang programa na makatutulong sa disaster preparedness sa mga paaralan sa Malabon. | ulat ni Diane Lear

📷: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us