Patuloy ang operasyon ng Philippine Red Cross o PRC sa lalawigan ng Abra.
Ito ay ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay at Bagyong Falcon sa lugar.
Kaugnay nito ay nagtungo ang mga volunteer at staff ng PRC sa Sta. Rosa Elementary School at Sinapangan Elementary School upang magbigay ng hot meals sa mga residente.
Mahigit 800 na mga indibidwal ang nakatanggap ng hot meals mula sa PRC.
Ayon sa PRC, ang pamamahagi ng hot meals ay isa sa kanilang paraan upang matulungan ang mga kababayang nasalanta at maibsan ang kanilang suliranin matapos ang bagyo at anumang kalamidad. | ulat ni Diane Lear
📷: PRC