Publiko, pinaghahanda na sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong kapaskuhan – MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pabigat na ng pabigat ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mga karatig lugar habang papalapit ang Pasko.

Ito ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ay kasunod ng kanilang isinagawang traffic assessment sa MMDA para sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ng MMDA Chief, na nakatakda silang magkaroon ng bagong volume vehicle count sa mga pangunahing lansangan partikular na sa EDSA sa susunod na buwan.

Samantala, sinabi rin ni Artes na may nakalatag na silang traffic management plan para matugunan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Kabilang na rito ang pagsasaaayos ng trapiko sa mga paaralan, sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan gayundin sa iba’t ibang stakeholder.

Batay kasi sa nakalipas na projection ng MMDA, kadalasang tumataaas ng 10 porsiyento ang bilang ng mga sasakyan sa tuwing sumasapit ang “ber” months. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us