Nakiisa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa United Nations Climate Ambition Summit (UNCAS) New York Climate Week 2023.
Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang alkalde na makibahagi sa roundtable discussion kung saan tinalakay nito ang mga aksyon at inisiyatibo ng lokal na pamahalaan para sa “half fossil fuel use by 2030”.
Kasama rito ang pagtatalaga ng Quezon City Enhanced Local Climate Change Action Plan kung saan nakapaloob ang mga hakbang upang makamit ang “carbon neutrality,” maisulong ang green economic development, at masiguro ang high-quality living environment para sa lahat ng residente.
Sa isinagawa namang presser, inisa-isa rin ng alkalde ang mga programa ng QC kasama ang urban farms, decarbonization strategies sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy sa mga city-owned buildings at facilities, energy efficient transportation fleet, at ang nalalapit na pagpasa ng Green Building Ordinance.
Binigyang-diin din ng alkalde kung gaano kahalaga ang climate financing para sa green, sustainable, at fossil-fuel-free future.
Ilan sa nakasama ni Mayor Joy sa naturang summit sina New York City Mayor Eric Adams, Milan Mayor Giuseppe Sala, Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr, at C40 Cities Executive Director Mark Watts. | ulat ni Merry Ann Bastasa