Renta ng mga apektadong rice retailer sa Valenzuela, ililibre na ng pamahalaang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ililibre na ng Valenzuela Local Government ang tatlong buwang renta ng mga maliliit na rice retailer sa lungsod na apektado ng EO 39.

Inanunsyo ito ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian kasunod ng pag-iikot nito sa palengke ng Brgy. Maysan upang inspeksyunin kung nakakasunod sa price ceiling ang mga nagtitinda ng bigas.

Ayon sa alkalde, inaasahan nitong maipapasa agad ng sanggunian ang ordinansa para dito.

Oras na maipasa ito, sasagutin na ng LGU ang renta ng nasa higit 100 apektadong rice retailers mula Oktubre hanggang Disyembre ng taon.

Kasunod nito, nagpasalamat naman si Mayor Gatchalian sa kooperasyon ng lahat ng vendors at retailers sa lungsod sa ipinatutupad na EO 39. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us