Ride-hailing firm na angkas, nagbigay ng mga motorsiklo para sa Motorcycle Riding Academy ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang donasyon na mga motorsiklo mula sa ride-hailing firm na Angkas.

Ito ay para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya na layong mabawasan ang mga aksidente sa lansangan sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Nasa 20 units ng mga motorsiklo at tent ang ibinigay ng ride-hailing firm sa MMDA.

Sa ginanap na turn-over ceremony at paglagda sa deed of donation, nagpasalamat si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes sa ride-hailing firm sa suporta nito sa riding academy ng ahensya.

Ayon kay Artes, nais ng MMDA na makapagbigay ng tamang training sa mga motorcycle rider, maituro ang tamang disiplina sa lansangan, at basic emergency response lalo na at tumataas ang bilang ng mga motorsiklo sa EDSA.

Nakatakda namang buksan ang Motorcycle Riding Academy ng MMDA sa September 27 at ito ay matatagpuan sa Julia Vargas corner Meralco Avenue sa Pasig City. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us