Sako-sakong basura ang nakuha ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) sa isinagawang Coastal Clean-up at Scubasurero sa Brgy. San Agustin at Thunderbird Resort coastal area, San Fernando City, La Union.
Ang aktibidad ay bilang pagdiriwang sa Ocean Conservancy’s International Coastal Clean-up (ICC); National Maritime Week 2023; Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo 2023) at Philippine Coast Guard 122nd Founding Anniversary.
Iba’t ibang basura ang kanilang nakolekta gaya ng upos ng sigarilyo, plastics, tsinelas, fishing nets at marami pang iba.
Patunay ang aktibidad sa mandato ng Philippine Coast Guard na protektahan ang kaligtasan at kalinisan ng mga karagatan.
Aktibong nakibahagi sa aktibidad ang mga personnel ng MEPFORCE-NWLZN, Operational Control Unit mula sa CGDNWLZN; Coast Guard Auxiliary District-NWLZN; 704th Auxiliary Squadron, Coast Guard Station La Union at Thunderbird Resort. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo