San Juan City LGU, muling magkakasa ng barangay caravan sa Biyernes, Setyembre 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang mga residente nito na dumalo at makiisa sa ikatlong “Makabagong San Juan Barangay Caravan”.

Dito, muling ihahatid ng Pamahalaang Lungsod ang iba’t ibang serbisyo na nakalaan para sa mga San Juaneño.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na ihahatid ng caravan ay ang bakuna sa mga bata, bunot ng ngipin, gamot, COVID booster shot, flu vaccine at human papillomavirus vaccine.

Mayroon din ditong PNP women’s desk at police clearance application assistance, libreng legal, marriage at family planning counseling.

Feeding program, on-site tax payments, libreng gupit ng buhok gayundin ang pamamahagi ng San Juan City health card at solo parent ID application assistance.

Maaari na rin mag-apply dito ang mga taga-San Juan ng tulong pinansyal gayundin ng medical at burial assistance, pagpaparehistro para sa PWD at senior citizen ID at iba pa.

Gagawin ang “Makabagong San Juan Barangay Caravan” sa Biyernes, Setyembre 8 sa Barangay West Crame Multipurpose Building mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us