Pinangunahan ni Senate Committee on Health and Demography at Committee on Sports Chairman Christopher Lawrence Bong Go ang pamamahagi ng 10 unit ng motorsiklo sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ang 10 unit ng mga motorsiklo na ito ay siyang gagamitin ng MMDA para sa bubuksan nilang Motorcycle Riding Academy sa Setyembre 27.
Tinanggap naman ito ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, mga opisyal ng MMDA at sinaksihan din ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Una nang nagbigay ng motorcycle unit sa MMDA si Sen. Sonny Angara gayundin ang iba’t ibang pribadong grupo para gamitin sa nasabing programa.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Go na magandang pagkakataon ang pagtatatag ng Motorcycle Riding Academy ng MMDA upang maikintal sa isipan ng mga gumagamit ng lansangan ang tamang disiplina. | ulat ni Jaymark Dagala