Nasa above critical status na ang naitalang lebel ng tubig sa Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa datos ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) umakyat na sa 7.20 MASL ang naitalang lebel ng tubig sa ilog as of 6:00 am ngayong araw, ika-3 ng Setyembre, 2023.
Ang naitalang lebel ng tubig ay labis na nakababahala dahil nasa 6.00 MASL lamang ang normal na water level sa nasabing ilog.
Naglabas na ng babala ang Sta. Barbara MDRRMO ukol sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig.
Inabisuhan na rin ang mga residenteng naninirahan sa low-lying areas at malapit sa ilog na maging alerto sa posibilidad ng patuloy pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.
Pinayuhan na rin ang mga Barangay DRRMC na maging aktibo. Magsasagawa umano ng evacuation kung sakaling ito ay kinakailangan. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan