Super Health Center, binuksan sa San Mateo, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Senate Committee on Health Chairperson Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ng expansion ng Super Health Center sa San Mateo, Rizal ngayong araw.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng San Mateo gayundin ng Pistang Bayan.

Sinalubong siya ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera, mga miyembro ng Konseho at mga opisyal ng kanilang Municipal Health Office.

Nagpasalamat naman si Mayor Rivera sa tulong na kanilang natanggap at makatutulong ang pagpapalawak ng kanilang Super Health Center upang makapagbigay ng serbisyo para sa kanilang kababayan.

Sa kaniyang panig, sinabi ni Sen. Go na tuloy-tuloy ang kanilang programang palawakin at paramihin ang mga Super Health Center sa buong bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us