Pinaghihinay-hinay ng isang mambabatas ang Ombudsman pagdating sa pagpapataw ng suspensyon at dismissal laban sa mga opisyal ng pamahalaan, na nagmula sa pribadong sektor.
Ang apela ni Parañaque Representative Gus Tambunting ay dahil aniya sa may alinlangan na ang mga taga pribadong sektor na magsilbi sa gobyerno.
Aniya, may magagaling na private sector individuals na nais sanang maibahagi ang kanilang expertise sa gobyerno, pero dahil sa sunod-sunod na suspensyon at pagtanggal sa mga opisyal ay umaayaw na sila.
Kadalasan din naman aniya, ang reklamo laban sa mga opisyal na ito ay dahil din naman sa mga ‘sindikato’ na sa loob na ng ahensya
Pagtiyak naman ni Ombudsman Samule Martires na wala silang pini-personal.
Wala rin aniya silang problema sa pagsama ng pribadong sektor sa pamahalaan basta’t tatalima ito sa batas.
Aminado si Martires, na mayroong ilang sektor na umaatake sa Ombudsman dahil sa desisyon nito na sibakin ang isang opisyal, bagamat hindi na niya ito pinangalanan.
“Sana magampanan namin yung amin talagang gawain pero hindi namin maipapangako na we can satisfy everyone as right now the Ombudsman is under attack from some sectors saying that we should have not removed from the service an honest person, that person has a lot of accomplishments but let me just say this ang isa pong tao na matino, ang isang tao na honest ay hindi nangangahulugan na hindi siya nag-violate ng batas,” sabi ni Martires. |ulat ni Kathleen Forbes