Pinabulaanan ng lungsod ng Taguig ang naging pahayag ng Makati City LGU na tumanggi sa proposal turn over ng health facilities ng 10 embo barangays kabilang na ang ospital ng Makati na nakapaloob na sa hurisdiksyon ng Taguig.
Sa isang pahayag sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na hindi kailanman tumangi ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa anumang proposal ng Makati City sa pag-turn over ng health care facilities sa 10 embo barangays.
Dagdag pa ni Mayor Cayetano, wala namang maipakitang titulo ng lupa na kinatitirikan ng mga naturang pasilidad ang Makati City upang masabi nito na sa kanila ang property.
Sa huli hangad naman ni Mayor Lani na maipagpatuloy ang maayos na transition ng healthcare facilities para maipagpatuloy ang mas maayos na serbisyo sa mga residente ng 10 embo barangays. | ulat ni AJ Ignacio