Tamang pagpapatupad sa RCEF, pinatitiyak para sa kapakanan ng mga magsasaka

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sa pagtatalaga ng price cap sa regular at well milled rice na ipinapatupad ngayon ng pamahalaan.

Magkagayon man, mahalaga din aniya na mabigyan ng sapat na tulong at suporta ang ating mga magsasaka.

Isa na rito ang subsidiya para masiguro na competitive ang farmgate price ng palay.

Aniya dapat tulungan ang mga magsasaka pagdating sa production cost—mula yan sa pagtatanim, anihan, milling, transportasyon at trading ng palay.

Dapat rin aniyang matiyak na naipatutupad ng tama ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung saan makakabenepisyo ang mga magsasaka at farmer cooperatives.

Mungkahi pa ni Lagman na itulak ang government-to-government negotiations sa pag-aangkat ng bigas upang mas mapababa ang gastos.

Ang mga retailers naman aniya dapat ay bigyan ng access sa mga pasilidad na may maliit na interes at kolatilya para makagaan sa pagbili nila ng palay.

Suportado rin ni Lagman ang pinaigting na kampanya kontra smuggling at cartel at isinusulong din ang pagsasampa ng kaso pagpapakulong sa mga mapatutunayang sangkot dito.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us