Tatlong pangunahing proyekto ang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), na nakahanay sa Philippine Creative Industries Month 2023.
Kabilang dito ang FiestaKutsa: Philippine Regional Creative Festival, Lunsod Lunsad: Call for Creative proposals at ang 2023 PCIM Celebration.
Ayon kay DTI Usec Rafaelita Aldaba,kasabay ng inilunsad na creative industries month, may nakahanay na ring aktibidad ang DTI ngayong buwan ng Setyembre.
Isa na rito ang Phil Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress sa Set 28 sa Fiesta Paviĺion sa Manila Hotel, ang Nationwide PCIM Co-Branded at Co-Bannered activities sa buong buwan ng Setyembre at ang Phil Creativity and Innovation Convention sa Setyembre 29 hanggang 30.| ulat ni Rey Ferrer