Umabot na sa P437 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Office of Civil Defense administrator (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno na bukod sa pagkain at non food items, ginagastusan din ang sanitation services sa mga evacuation center.
Tiniyak ni Nepumoceno na magpapatuloy ang paghahatid ng tulong ng gobyerno ngayong mahigit tatlong buwan nang nasa alert level 3 ang Mayon.
Sa datos naman na nakalap ng OCD sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa P2.3 bilyon pa ang halaga ng standby funds at mga relief goods na available.
Sa kabuuan, nasa 9,876 pamilya ang apektado ng patuloy pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. | ulat ni Leo Sarne