Tumanggap na ng paunang sahod mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang nasa 200 benepisyaryo, mula sa Batch 1 ng Special Program for Employment of Students o SPES.
Programa ito ng Public Employment Services Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE), na ipinatupad sa Lungsod ng Malabon.
Ang SPES ay isang youth employment-bridging program na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral.
Qualified din sa programa ang mga out-of-school youth, at dependents ng mga displaced worker upang madagdagan ang kita ng pamilya, at makatulong na matiyak na sila ay makapag-aral,
Para maging kuwalipikado sa SPES, dapat ang mga mag-aaral ay nakakuha ng passing general weighted average (GWA).
Ang kanila namang mga magulang ay dapat magkaroon ng pinagsamang taunang netong kita na hindi lalampas sa regional poverty threshold. | ulat ni Rey Ferrer