Bumuo na ng Task Force si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian upang tutukan ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas sa Lungsod ng Valenzuela.
Kasunod ito ng isinagawang pulong ng alkalde sa mga market master at business owners ng lungsod, upang makuha ang kanilang pananaw sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinaliwanag sa kanila ang mga alituntunin para sa pagpapatupad ng direktiba, na nagsimula na ngayong araw.
Sinabi ng alcalde, na buo ang kanyang suporta sa inisyatiba ng Pangulo na protektahan ang mga vendor at consumer mula sa pandaraya sa presyo at illegal rice trading.
Dumalo sa pulong ang 33 market masters at business owners, upang mapakinggan ang kanilang mga saloobin ukol sa Executive Order No. 39 o ang mandated price ceiling sa piling variety ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer