Validated election-related incidents, umakyat na sa 4 – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na sa apat ang validated election-related incidents (ERI).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ang mga naturang insidente ng karahasan ay kumpirmadong may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kabilang sa validated ERIs ay ang insidente ng pamamaril sa Libon, Albay at Taal, Batangas.

Gayundin ang insidente ng alarm at scandal sa Malabang, Lanao del Sur at pamamaril sa Piagapo, Lanao del Sur.

Tiniyak naman ng PNP, na puspusan ang kanilang paghahanda upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang halalan sa bansa.

Habang nagpapatuloy din ang isinasagawang checkpoint operations ng mga awtoridad lalo na ang pinaiiral na gun ban. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us