VP Sara, nakipagpulong sa gobernador ng Fujian Province ng China sa naging pagbisita nito sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ngayong araw si Fujian Province, China Gov. Zhao Long kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa Davao City.

Batay sa pahayag ng Office of the Vice President, sinasabing nagdala ng magandang balita si Zhao sa kaniyang naging pagbisita sa Pangalawang Pangulo ng bansa.

Una rito ay ang renewal ng Sister City Agreement sa pagitan ng Davao City at Jinjiang City sa Fujian Province noong 2018 kung saan, alkalde pa si VP Sara ng Davao.

Ikalawa sa mga natalakay sa pagpupulong ay ang pagpapadala ng Davao City ng ipinagmamalaki nitong Durian na bunga ng magandang negosasyon sa pagitan ng dalawang lungsod.

Samantala, kinumpirma rin ng OVP na nakipagkita si Gov. Zhao kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us