Arestado ang isang biyaherong Malaysian matapos makuha sa kanyang bagahe ang ₱25.3 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang suspek na si Mohammad Ahtsham Bin Mohammad Afzal.
Dumating ang suspek sa bansa kagabi sakay ng Ethiopian Airline Flight ET644 galing sa Addis Ababa, Ethiopia.
Si Afzal ay inaresto sa anti-illegal drug interdiction operation sa Customs International Arrival Area, ng NAIA Terminal 3, Pasay City bandang 9:20 p.m. kagabi, matapos makita sa x-ray ang kahina-hinalang nakatago sa kaniyang bagahe.
Nakuha sa bagahe ng suspek ang dalawang improvised pouch na naglalaman ng 3.7 kilo ng pinaghihinalaang shabu.
Ang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (RA) o Comprehensive Drug Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. | ulat ni Leo Sarne
📷: NAIA-IADITG