Ilang delivery riders, umaasang matatanggap na rin ang fuel subsidy mula sa gobyerno

Umaasa rin ang ilang mga delivery rider na matanggap na ang ₱1,200 na fuel subsidy mula sa pamahalaan. Gaya rin daw kasi ng mga jeepney driver, pinapasan rin ng kanilang hanay ang mataas na halaga ng produktong petrolyo. Kahit nga raw may ₱2.00 rollback sa gasolina ngayon ay di rin ito masyadong mararamdaman dahil mabigat… Continue reading Ilang delivery riders, umaasang matatanggap na rin ang fuel subsidy mula sa gobyerno

LTFRB, nagsagawa ng Oplan Tuldukan ang Karahasan sa PITX ngayong umaga

Nagsagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Oplan Tuldukan ang Karahasan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong umaga. Kung saan nagdikit ng mga poster si LTFRB Technical Division Director Joel Bulano ng mga bawal ang bastos sticker sa mga pampublikong bus, jeep, at taxi sa palibot ng PITX. Aniya, isa ito… Continue reading LTFRB, nagsagawa ng Oplan Tuldukan ang Karahasan sa PITX ngayong umaga

DepEd, iniimbestigahan na ang isang kaso ng pananakit ng isang guro na nagresulta sa pagkasawi ng isang Grade 5 student sa Antipolo City

Nakarating na sa tanggapan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang kaso ng pananakit ng isang guro sa Grade 5 pupil na nagresulta sa pagkasawi nito. Ayon kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Michael Poa, nakausap na nila ang Antipolo City Schools Division Superintendent hinggil sa kaso. Hinihintay na lamang aniya nito… Continue reading DepEd, iniimbestigahan na ang isang kaso ng pananakit ng isang guro na nagresulta sa pagkasawi ng isang Grade 5 student sa Antipolo City

Full digitalization sa PhilHealth, puspusan nang ikinakasa

Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na puspusan ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang makamit ang full digitalization sa kanilang hanay. Ito’y bilang pagsunod na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang digital infrastructure na layuning pabilisin ang mga transaksyon sa pamahalaan. Ayon kay PhilHealth President at… Continue reading Full digitalization sa PhilHealth, puspusan nang ikinakasa

Phil. Navy Chief, nanawagan ng pagpapalakas ng alyansa sa SAMASAMA Naval Exercise

Nanawagan si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa mga bansang kasama sa SAMASAMA Naval Exercise na patuloy na palakasin ang alyansa, pahusayin ang interoperability, at itaguyod ang rules-based international order. Ang pahayag ay ginawa ni VAdm. Adaci sa pagbubukas kahapon ng taunang bilateral exercise ng Philippine at US Navy… Continue reading Phil. Navy Chief, nanawagan ng pagpapalakas ng alyansa sa SAMASAMA Naval Exercise

PNP, ‘all go’ na para sa BSKE — PNP Chief

“All go” na ang Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. base ito sa pag-uulat ng mga Police Regional Directors matapos ang kanilang pagpupulong sa iba’t ibang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) at Provincial JSCCs at National… Continue reading PNP, ‘all go’ na para sa BSKE — PNP Chief