Kamara tatalima sa atas ng Korte na maghain ng komento patungkol sa MIF

Rerespetuhin ng Kamara ang atas ng Korte Suprema sa ehekutibo at lehislatura na tumugon kaugnay sa petisyong inihain laban sa Republic Act (RA) 11954, o Maharlika Investment Fund Act of 2023. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, tatalima ang House of Representatives sa ‘rule of law’ at maghahain ng sagot sa loob ng 10 araw… Continue reading Kamara tatalima sa atas ng Korte na maghain ng komento patungkol sa MIF

NPA leader, sumuko sa Batangas

Malugod na tinanggap ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong ang pagsuko ng isang New People’s Army (NPA) leader sa Batangas. Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Benjie” ang dating vice platoon leader ng Eduardo Dagle Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee. Umalalay ang mga tropa ng 59th Infantry… Continue reading NPA leader, sumuko sa Batangas

Higit 4000 Leyteños, naabutan ng tulong pinansyal ng Tingog Partylist katuwang ang DSWD at DOLE

4,710 na residente sa Leyte ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre. Pinangunahan ni Tingog Party-list Director for Community Engagements Karla Estrada ang pagbibigay ayuda sa pamamagitan ng AICS program ng Department of Social Welfare and Development at TUPAD… Continue reading Higit 4000 Leyteños, naabutan ng tulong pinansyal ng Tingog Partylist katuwang ang DSWD at DOLE

Bilang ng micro rice retailers at sari-sari store owners na nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD, higit 19,000 na

Sumampa na sa 19,084 ang bilang ng sari-sari store owners at micro rice retailers na nakabenepisyo sa Sustainable Livelihood Program (SLP) cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa ulat ng DSWD, as of October 2, ay aabot na sa P286.26 milyon ang halaga ng SLP cash aid na naipaabot nito sa… Continue reading Bilang ng micro rice retailers at sari-sari store owners na nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD, higit 19,000 na

Tatlong Pilipinong mangingisda, patay matapos mabangga ng hindi pa nakikilalang foreign commercial vessel

Patay ang tatlong Pilipinong mangingisda matapos aksidenteng mabangga ang sinasakyan nilang bangkang pangisda ng hindi pa nakikilalang dayuhang commercial vessel habang binabagtas nila ang kahabaan ng Bajo De Masinloc para mangisda noong ika-02 Octobre 2023. Batay sa pahayag ng isang sa tauhan ng lumubog na FFB DEARYN, naganap ang insidente bandang 4:20 a.m. habang nakadaong… Continue reading Tatlong Pilipinong mangingisda, patay matapos mabangga ng hindi pa nakikilalang foreign commercial vessel

45 na people’s organization sa Davao de Oro, nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DSWD

Ginawaran ng Department of Social Welfare and Development o DSWD XI ng livelihood assistance ang 45 people’s organization o PO sa Davao de Oro sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program kahapon. Ginanap ang turnover sa provincial capitol lobby, na dinaluhan ng mga opsiyal ng DSWD, AFP, PSWDO, at ni Gov. Dorothy Gonzaga,  kung saan aabot… Continue reading 45 na people’s organization sa Davao de Oro, nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DSWD

Bagong regional director ng Police Regional Office 4A, pormal na nanungkulan

Pormal na nanungkulan si Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 4A na nakakasakop sa CALABARZON. Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang assumption ceremony sa Camp Brigadier General Vicente Lim sa Calamba City, kahapon kung saan pinalitan ni Lucas si Police Brigadier General… Continue reading Bagong regional director ng Police Regional Office 4A, pormal na nanungkulan

DSWD, pinarangalan bilang top contact center ng bayan ng CSC

Ginawaran ng Civil Service Commission (CSC) ng Certificate of Recognition ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa agarang pagtugon sa mga reklamong natatanggap sa Contact Center ng Bayan (CCB). Napabilang ang DSWD sa 10 ahensya ng pamahalaan na may 100% resolution rate para sa taong 2022. Tinanggap ni DSWD Assistant Secretary for… Continue reading DSWD, pinarangalan bilang top contact center ng bayan ng CSC

Paghingi ng confidential funds, di dapat abusuhin ng mga ahensya

Pinaalalahanan ni Deputy Majority Leader at Appropriations Committee Vice-Chair Janette Garin ang mga ahensya ng gobyerno na huwag abusuhin ang paghingi ng confidential funds. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng mga ahensyang humihingi ng confidential funds. Mula aniya sa 16 noong 2012 ay umakyat na sa 28 ang ahensyang humingi ng CF sa ilalim ng… Continue reading Paghingi ng confidential funds, di dapat abusuhin ng mga ahensya

Bisa ng Special Permit para sa PUBs na bibyahe ngayong Undas, pinalawig ng LTFRB

Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng Special Permit para sa mga Public Utility Bus (PUB) na bibiyahe ngayong papalapit na Undas. Batay sa Board Resolution No. 065, series of 2023, sa halip na mula October 30-November 3 ay tatagal na mula October 20 hanggang November 6 ang bisa ng… Continue reading Bisa ng Special Permit para sa PUBs na bibyahe ngayong Undas, pinalawig ng LTFRB