DMW, nakatutok sa imbestigasyon hinggil sa pagkasawi ng OFW sa Saudi Arabia

Hinihintay ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagkasawi ng overseas Filipino worker (OFW), sa Saudi Arabia na si Marjorette Garcia. Sa isang pulong balitaan kaninang hapon, sinabi ni DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, na kasalukuyang nasa prosecutor ang kaso at maaari aniyang humantong ito sa criminal court.… Continue reading DMW, nakatutok sa imbestigasyon hinggil sa pagkasawi ng OFW sa Saudi Arabia

Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

Iginiit ngayon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na doble kayod ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation. Ito ay kasunod ng inilabas na September inflation, kung saan pumalo ito ng 6.1 percent kumpara sa 5.3 percent noong Agosto. Ayon kay Diokno, hands on ang gobyerno para matiyak na nasa tamang polisiya at programa ang tinatahak ng bansa. Aniya,… Continue reading Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

DICT, kinumpirma ang pag-leak ng data ng PhilHealth matapos ang ransomware attack

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-leak ng data ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos ang Medusa ransomware attack. Sa pahayag ng DICT, inupload umano ng Medusa ransomware group ang kopya ng mga file dalawang araw makalipas ang deadline sa pagbayad ng ransom na P17 bilyon. Kabilang umano sa mga… Continue reading DICT, kinumpirma ang pag-leak ng data ng PhilHealth matapos ang ransomware attack

Senadora Cynthia Villar, hinikayat ang DA na paigtingin ang first border inspection facilities sa bansa

Hindi kontento si Senadora Cynthia Villar sa pondong nakalaan para sa first border facilities ng Department of Agriculture (DA) na siyang nag iinspeksyon sa lahat ng uri ng karne na pumapasok sa Pilipinas. Sa pagdinig ng Senate Committee sa panukalang 2024 budget ng DA, napag alaman na nasa 15 million pesos ang nakalaang pondo para… Continue reading Senadora Cynthia Villar, hinikayat ang DA na paigtingin ang first border inspection facilities sa bansa

DA, ipinaliwanag ang paggagamitan ng confidential fund nito

Ipinaliwanag ng Department of Agriculutre (DA) ang pinaggagamitan nila ng confidential fund. Ito ay matapos maungkat sa pagdinig ng senado sa panukalang 2024 budget ng DA ang pagkakaroon nito ng alokasyong ₱50 million na confidential fund. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary James Layug, kabilang sa mga pinaglalaanan ng pondong ito ay ang surveillance at operations… Continue reading DA, ipinaliwanag ang paggagamitan ng confidential fund nito

Sen. Robin Padilla, handang tulungang pasiglahin ang PTV-4

Pinahayag ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senador Robin Padilla na handa siayng tulungan ang People’s Television Network (PTV4) para magkaroon ito ng sapat na kakayahan na malabanan ang fake news. Sa naging pagdinig ng komite ni Padilla sa mga isyu sa PTV, sinabi ni Padilla na maghahanap siya ng paraan… Continue reading Sen. Robin Padilla, handang tulungang pasiglahin ang PTV-4

VP Sara, hinikayat ang mga guro na maging matatag ngayong selebrasyon ng World Teachers’ Day

Hinikayat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga guro na maging matatag sa kabila ng mga hamon na kinakaharap sa pagtuturo at paghubog ng mga kabataan. Ito ang mensahe ng Pangalawang Pangulo sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day ngayong araw. Ayon kay VP Sara, mahalagang maging matatag ang mga guro upang magsilbing… Continue reading VP Sara, hinikayat ang mga guro na maging matatag ngayong selebrasyon ng World Teachers’ Day

Pamamahagi ng driver’s license cards, inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2024 — DOTr

Inihayag ng Department of Transportation na inaasahang matatapos ang pamamahagi ng driver’s license plastic cards sa unang quarter ng 2024. Ito ay matapos ng Land Transportation Office na mayroon na silang 1.2 milyong license cards na maaaring ipamigay sa mga motorista na dati ay nabigyan lamang ng papel na lisensya at ang mga motoristang nabigyan… Continue reading Pamamahagi ng driver’s license cards, inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2024 — DOTr

Makati LGU, hiniling sa korte na maglabas ng status quo order laban sa Taguig hinggil sa territorial dispute sa 10 embo barangays

Naghain ngayong araw ang Makati City ng “Urgent Motion for Clarification with Prayer for the Issuance of a Status Quo Ante Order” (“Urgent Motion”) sa Branch 153 ng Regional Trial Court of Taguig City. Ayon kay Mayora Abby, nais lamang ng Makati na maging maayos ang pagpapatupad ng Supreme Court decision nang hindi gaanong magagambala ang… Continue reading Makati LGU, hiniling sa korte na maglabas ng status quo order laban sa Taguig hinggil sa territorial dispute sa 10 embo barangays

DFA, pasok sa top 10 gov’t agencies na may mabilis na aksyon sa Contact Center ng Bayan ng CSC

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng kanilang tangapan sa top 10 government agencies na may mabilis na aksyon sa Contact Center ng bayan ng Civil Service Commission (CSC). Sumampa ito sa ikalawang puwesto na may highest complaint resolution rate sa lahat ng tangapan ng pamahalaan. Ayon sa DFA, bahagi ito ng… Continue reading DFA, pasok sa top 10 gov’t agencies na may mabilis na aksyon sa Contact Center ng Bayan ng CSC