DMW at recruitment associations, lumagda sa kasunduan para isulong ang ethical at fair recruitment sa OFWs

Lumagda sa memorandum of understanding (MOU) ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang tatlong malalaking recruitment association sa bansa. Layon ng naturang kasunduan na isulong ang ethical at fair recruitment para sa overseas Filipino worker (OFW). Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac ang paglagda kasama ang ilang opisyal ng ahensya at mga… Continue reading DMW at recruitment associations, lumagda sa kasunduan para isulong ang ethical at fair recruitment sa OFWs

Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Posibleng bumaba sa P36 kada kilo ang presyo ng bigas ngayong Oktubre. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay bunsod ng pagdami ng ani at suplay ng bigas ngayong harvest season. Dagdag pa ng opisyal, posibleng lalong sumipa ang presyo ng bigas kung hindi nagtakda ng price cap si Pangulong Ferdinand… Continue reading Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Pagkakaharang ng BOC sa P35.4-B na halaga ng shabu, pinuri ng House tax Chief

Pinuri ni Ways and Means Cttee Chair Joey Salceda ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang matagumpay na pagkakaharang sa may P35.3 billion na halaga ng shabu sa Subic at Manila International Container Port (MICP). Tinukoy ni Salceda, na ang lethal dose ng shabu ay nasa 200mg. Kaya ang… Continue reading Pagkakaharang ng BOC sa P35.4-B na halaga ng shabu, pinuri ng House tax Chief

Marcos Administration, committed sa pagtugon sa hamong dala ng inflation – Malacañang

Nananatiling committed ang pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong dala ng 6.1% inflation rate na naitala para sa buwan ng Setyembre. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nagpapatupad na ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan tulad ng Food Stamp program, fuel subsidy, at targeted assistance para sa mga magsasaka upang matulungan ang… Continue reading Marcos Administration, committed sa pagtugon sa hamong dala ng inflation – Malacañang

Pagkakasabat ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port, kinumpirma ng PNP

Isinasailalim na sa imbentaryo ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang nasa tinatayang 270 kilo ng shabu na nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila. Ito ang inihayag ngayong hapon ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief,  Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Kampo Crame,… Continue reading Pagkakasabat ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port, kinumpirma ng PNP

Illegal recruitment, pinasasama na rin sa hurisdiksyon ng NBI

Nais ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino na palawigin ang sakop ng National Bureau of Investigation (NBI), at maisama sa hurisdiksyon nito ang illegal recruitment. Bunsod ito ng patuloy na pambibiktima ng illegal recruiters sa mga overseas Filipino worker (OFW), pinakahuli dito ay sa Italya. Ilang mga Pilipino na ang naloko at nagbayad ng hanggang… Continue reading Illegal recruitment, pinasasama na rin sa hurisdiksyon ng NBI

PhilHealth, dapat panagutin sa pagkabigong protektahan ang datos ng mga miyembro nito

Nais ng isang mambabatas na panagutin ang Philippine Health Insurance Corp. kaugnay nang nangyaring data breach, matapos atakihin ng ransomware ang kanilang sistema. Ayon kay AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes, nabigo ang PhilHealth na protektahan ang kanilang sistema lalo na ang personal na impormasyon ng mga miyembro nito. Hindi rin aniya makatwiran na idahilan ng… Continue reading PhilHealth, dapat panagutin sa pagkabigong protektahan ang datos ng mga miyembro nito

Pananagutan ng 6 na pulis sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, ipauubaya na ng PNP sa korte

Ipauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa korte ang pagdetermina ng pananagutan ng anim na pulis na bumaril at nakapatay kay Jemboy Baltazar sa Navotas noong Agosto, matapos mapagkamalang suspek. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong hapon, matapos iprisinta sa… Continue reading Pananagutan ng 6 na pulis sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, ipauubaya na ng PNP sa korte

Paghabol sa liability ng oil tanker na nakabangga sa barko ng mga mangingisda sa karagatan ng Pangasinan, tinutututukan ng pamahalaan

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa port state control na nakakasakop sa oil tanker na nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino, madaling araw ng Lunes (October 2) sa karagatang malapit sa Pangasinan. Nagresulta ang insidenteng ito sa pagkakasawi ng tatlong Pilipinong mangingisda. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela,… Continue reading Paghabol sa liability ng oil tanker na nakabangga sa barko ng mga mangingisda sa karagatan ng Pangasinan, tinutututukan ng pamahalaan

House leaders, inaasahang unti-unti nang babagal ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin

Inaasahan na ng ilang ranking lawmakers ang pagbagal sa inflation rate ng bansa sa mga susunod na buwan. Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Representative Aurelio Gonzales Jr., unti-unti nang babagal ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin, matapos maitala ang 6.1 % inflation rate para sa buwan ng Setyembre. Pangunahin aniyang… Continue reading House leaders, inaasahang unti-unti nang babagal ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin